Kasabay nang panunumpa ni Joseph ‘Joe” Biden Jr., bilang ika-46 pangulo ng Estados Unidos sa US Capitol ang pagdating naman ni dating US President Donald Trump sa Palm Beach, Florida.
Hindi dumalo si Trump sa inagurasyon ng kanyang kapalit at binalewala na rin nito ang isa pang tradisyon, ang pag-inom nila dapat ng tsaa sa Oval Office.
Si Andrew Johnson, taon 1869, ang huling pangulo ng US na hindi dinaluhan ang panunumpa ng pumalit sa kanya sa puwesto. Si Johnson katulad ni Trump ay na-impeached.
Ayon kay Biden, nag-iwan naman sa kanya ng sulat si Trump sa Oval Office ngunit tumanggi ito na isapubliko ang detalye at aniya gagawin niya ito kapag personal na silang nagka-usap.
Sa isang pre-recorded video message, nanawagan si Trump ng dasal para sa administrasyong-Biden.
At nasunod din ang kahilingan ni Trump na mabigyan ng ‘hero’s farewell’ sa kalapit na military base.
Nanumpa na rin si dating California senator Kamala Harris, bilang unang bise-presidente ng US.
Ang panunumpa nina Biden at Harris ay nangyari ala-1 ng madaling araw, oras ng Pilipinas.