Base sa inihaing House Resolution 1490 ni Albay Rep. Edcel Lagman, nais nito na magsagawa ang House Committee on Human Rights ng pagsisiyasat ‘in aid of legislation’ sa ginawang unilateral abrogation ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa 1989 UP-DND Accord.
Iginiit ni Lagman na ang terminasyon sa kasunduan ng DND at ng unibersidad na wala man lamang konsultasyon sa UP officials ay maituturing na iligal at walang legal na epekto dahil ang accord ay bilateral at mutual at hindi ito maaaring kanselahin ng isang partido lamang.
Sinabi pa ng kongresista na ang one-sided termination sa kasunduan ay magbubukas ng floodgates para mapasok ng mga pulis at militar ang UP campuses sa buong bansa sa ilalim ng katwirang pinoprotektahan ang national security at peace and order.
Ang nasabing accord ang nagbibigay proteksyon sa autonomy at academic freedom ng UP laban sa military at police operations.