LPA, Amihan, Tail-End of Frontal System patuloy na magpapaulan sa bansa

By Angellic Jordan January 20, 2021 - 08:12 PM

Photo credit: DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, huling namataan ang LPA sa layong 100 kilometers Silangan ng Baler, Aurora bandang 3:00 ng hapon.

Mababa aniya ang tsansa na maging bagyo ang LPA.

Ngunit, kasama ang Tail-End of Frontal System na umiiral sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas, magdadala ito ng pag-ulan.

Bunsod nito, maaaring makaranas ng malakas na pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora at northern Quezon kasama ang Polilio Island.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararamdaman sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, CAR, MIMAROPA, Bicol region, natitirang bahagi ng CALABARZON at Eastern Visayas.

Sinabi ni Estareja na humihina na ang Northeast Monsoon o Amihan at tanging sa extreme Northern Luzon na lamang ito nararanasan.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Ilocos region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Samantala, mayroon aniyang cloud clusters sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas, gayundin sa Palawan na maaaring mabuo bilang panibagong LPA.

Gayunman, wala naman aniyang nakikitang panibagong weather system na posibleng maging bagyo sa labas ng teritoryo ng bansa sa buong linggo.

TAGS: amihan, breaking news, Inquirer News, LPA, Northeast monsoon, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tail-end of a frontal system, weather update January 20, amihan, breaking news, Inquirer News, LPA, Northeast monsoon, Pagasa, Radyo Inquirer news, Tail-end of a frontal system, weather update January 20

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.