Lorenzana, hindi kinunsulta si Pangulong Duterte nang tuldukan ang UP-DND accord
Hindi kinunsulta ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Pangulong Rodrigo Duterte nang tuldukan na ang kasunduan sa University of the Philippines na naglilimita sa mga pulis at militar na makapasok sa unibersidad.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, desisyon lamang ni Lorenzana na ibasura na ang UP-DND accord.
Ayon kay Roque, sinusuportahan ni Pangulong Duterte ang desisyon ni Lorenzana na tuldukan na ang UP-DND accord.
Una rito, sinabi ni Roque na hindi rin natalakay sa pagpupulong ni Pangulong Duterte sa kanyang Gabinete noong Lunes ng gabi ang usapin sa UP-DND accord.
Sa liham ni Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, sinabi nito na tinutuldukan na ng pamahalaan ang UP-DND accord dahil nagiging sagabal ito sa counterinsurgency operations laban sa komunistang rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.