Pagtataas ng singil sa kuryente ng Meralco, kinuwestyon ng isang obispo

meralcoBinatikos Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang nakaambang pagtataas ng singil sa kuryente sa susunod na buwan ng Manila Electric Company o MERALCO.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, patuloy ang pagbaba ng presyo ng langis kaya kwestiyonable ang pagtaas sa singil sa kuryente ng Meralco.

Sinabi ni Pabillo na bigo pa ring maipatupad ang naisabatas na Electric Power Industry Reform Act of 2001 o ang EPIRA Law na naglalayong pababain ang presyo ng kuryente sa bansa.

Nagtaas ng singil ng kuryente ang MERALCO matapos aprubahan ang mas mataas na feed-in tariff o FIT charges mula sa dating P0.04 noong 2015 ay ginawa na itong mahigit P0.12.

Dahil sa mataas na FIT allowance, posibleng madagdagan ng P16.80 ang mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour.

Read more...