Active COVID-19 cases sa Quezon City, nasa 1,096
Nadagdagan pa ang mga bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 29,472 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (January 20).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,096 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.
Bunsod nito, 27,580 o 93 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 796 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 150,455 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.