Agusan del Norte niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Phivolcs Facebook photo

 

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Agusan del Norte, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 9:27 ng umaga, 10 kilometro ang Hilagang-Silangan ng Remedios T. Romualdez, Agusan del Norte.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 15 kilometro.

Nakapagtala ang Phivolcs ng Instrumental Intensity II sa Gingoog City, Misamis Oriental habang Instrumental Intensity I sa Surigao City.

 

Read more...