Economic provisions ng Saligang Batas dapat nang amyendahan dahil sa ginagawa ng mga dayuhang korporasyon

By Erwiin Aguilon January 20, 2021 - 10:56 AM

Iginiit ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na maraming foreign corporations ang gumagamit ng ‘dummy’ at nakakalusot sa mahigpit na probisyon ng foreign ownership sa ilalim ng Konstitusyon.

Ito aniya ang dahilan kaya napapanahon na para amyendahan ang Saligang Batas.

Paliwanag ni Barzaga na isa ring abogado, gumagamit ng ‘dummy’ ang mga dayuhan para makapagmayari ng mga kumpanya sa bansa.

Bukod dito, mayroong mass media companies rin ang nakakapag-operate sa bansa gamit ang mga ‘dummies’ na isang direktang paglabag sa ating Konstitusyon.

Sinabi pa ng kongresista na nararapat lamang na amyendahan na ang economic provisions dahil matagal na panahon na rin namang nilalabag at nakakalusot ang mga foreign corporations sa bansa.

Binigyang diin pa ng kongresista na nawawala rin ang kailangang foreign direct investments (FDI) ng bansa dahil sa mahigpit na economic provisions.

 

 

 

TAGS: chacha, Congress, REp. Barzaga, chacha, Congress, REp. Barzaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.