Labingwalo katao, nabulag dahil sa isinagawang operasyon sa mata sa Brazil
Nabulag ang labingwalong katao matapos sumailalim sa isang operasyon sa mata sa Sao Paulo, Brazil.
Ayon sa opisyal ng Sao Paulo, gumamit ng mga instrumentong hindi pinakuluan o nilinis ang doktor na nag-opera sa mga biktimang sumailalim sa cataract treatment.
Batay sa ulat ng Sao Bernardo do Campo city hall, aabot sa dalawampu’t pito katao ang inoperahan sa mata noong January 30 bilang bahagi ng kanilang kampanya.
Ngunit dalawampu’t dalawa (22) dito ang nakaranas ng eye infection na tinatawag na endophthalmitis kabilang na ang labing walong nabulag.
Ayon kay Expedito Batista, isa sa mga biktima, maayos ang kanyang kalagayan nang umalis siya sa ospital kung saan siya inoperahan ngunit pagkalipas ng dalawang araw, nagising na lamang siya na wala nang nakikita.
Wala pang inilalabas na pahayag ang abogado ng opthalmology institute na si Jose Luis de Macedo kung saan isinagawa ang naturang operasyon dahil hindi pa aniya nito nababasa ang nasabing ulat na inimbestigahan ng Health Department ng Sao Bernardo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.