Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang simulation activity para sa COVID-19 vaccination program.
Ito ay bilang bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaan sa pagbili bg bakuna.
Ginawa ang simulation sa Palma Hall ng Universidad de Manila (UdM) kung saan ipinakita ng Manila Health Department ang vaccination process.
“This is part of our road-map to vaccination. In the coming months, vaccines will arrive in the country. In the coming weeks, vaccines available in the world may be approved by the regulatory agencies of our country,” pahayag ni Mayor Isko.
Ayon kay Mayor Isko, ang simulation ay magsisilbing “stress-test” sa LGUs.
“While we are waiting for the vaccines in the City of Manila, gusto namin malaman ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan paano siya ide-deploy in a small group. Ang susunod naman dito, we will have another deployment in a larger scale,” pahayag ni Mayor Isko.
“Ang gusto namin ma-achieve kung ano ang mga posibleng scenario na pwedeng makapagpabagal o possible mishandling ng products. Inaaral natin ang possible future problems,” dagdag ng alkalde.