Pilipinas, mananatiling storm-free hanggang linggo
Mananatiling storm-free ang Pilipinas sa susunod na tatlong araw ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Ayon sa weather bureau, wala pa silang namamataang sama ng panahon na malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging bagyo ngayong linggo.
Inaasahan ng ahensya na wala o isa lamang ang tatamang bagyo sa bansa ngayong buwan.
Samantala, iiral naman ang mainit na panahon sa ibang bahagi ng bansa sa susunod na tatlong araw dahil sa presensya ng easterlies.
Ngunit sa kabila ng mainit na panahon, sinabi ng PAGASA na posible pa rin makaranas ang bansa ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms partikular sa hapon o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.