DOH bukas sa pagpasok ng iba pang mga suplay ng dengue vaccine

By Erwin Aguilon April 01, 2016 - 08:56 AM

Dengue_1Nakahanda ang Department of Health (DOH) sa pagpasok sa mga ng iba pang kumpanya na posibleng mag-suplay ng bakuna kontra dengue.

Ito ang pagtitiyak ni Health Sec. Janette Garin sa harap ng mga bumabatikos at kumukwestiyon sa nakatakda ng pag-arangkada sa Lunes ng programa ng pamahalaan upang labanan ang epekto ng dengue na nitong unang tatlong buwan ng taong 2016, ay mas tumaas pa ang bilang sa bansa , kumpara sa bilang ng mga naapektuhan noong isang taon sa kaparehong panahon.

Ipinaliwanag ni Garin na maging ang technical experts ng World Health Organization (WHO) ay nagsabing ang gagamiting bakuna sa bansa ay dumaan sa seryosong pagsusuri ng mga eksperto.

Tinatayang 3 bilyong piso ang gugugulin ng gobyerno sa pagbabakuna kontra sa dengue na kung hindi pa ipatutupad ay posibleng magdulot ng pagtaas pa ng kaso ng mga nasasawi dahil sa naturang sakit.

Magiging available rin ang bakuna sa pribadong ospital para naman sa mga nais magpaturok sa mga hindi pasok sa programa ng DOH.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.