Nakapag-deploy na ng 23 train sets ang Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naisagawa ito mula January 17, 2021.
Ito ang kauna-unahang nakapag-deploy ng naturang bilang ng tren sa linya ng MRT-3.
Noong December 7, 2020 itinaas sa 60 kilometers per hour ang bilis ng mga tren nito.
Bunsod ng tumaas na bilang ng tumatakbong tren at pinabilis na takbo, inaasahang madadagdagan ang bilang ng pasaherong makakasakay.
Simula noong December 7, 2020 nang itaas ang operating speed sa 60 kilometers per hour, bumaba ang headway o waiting time sa pagitan ng pagdating ng mga tren sa 3.5 hanggang 4 minuto.
Bumaba rin ang travel time mula North Avenue hanggang Taft Avenue station sa 45 hanggang 50 minuto.
“”We have been working doubly hard to deliver a better and more efficient railway transportation to our passengers. Our recent achievements only show that we are committed 100% and are on track to fulfill the vision of Sec. Arthur P. Tugade — a comfortable and reliable public transportation for all,” pahayag ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati.
Sinabi pa ng MRT-3 na ang pagtaas ng train speed at deployed trains ay resulta ng maayos na maintenance service at replacement ng riles sa buong main line.
Tiniyak naman na mahigpit na nasusunod ang health protocols sa MRT-3 upang makaiwas sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.