48 pang Filipino abroad, tinamaam ng COVID-19
May 48 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang January 18, nasa 13,591 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,968 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 55 naman ang bagong gumaling kung kaya 8,682 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nasa anim naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 941 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,837 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 2,195 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 813 naman ang kaso sa Americas at 2,746 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.