20-M doses ng COVID-19 vaccine, bibilhin ng Pilipinas sa Moderna
Makakukuha na rin ang Pilipinas ng 20 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Moderna ng United States.
Inanunsyo ito ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa pagdinig ng House Committee on Health sa vaccination program ng gobyerno.
Ayon kay Galvez, binigyan na siya ng “go-signal” ni Philippine Ambassador to the United States Babe Romualdez na i-anunsyo ang naturang developments sa negosasyon ng Pilipinas sa Moderna para sa pagbili ng kanilang bakuna.
Mula sa 20 million doses, 10 million ang naka-allocate para sa pribadong sektor habang ang natitira pang 10 million ay para sa gobyerno.
Una nang sinabi ni Romualdez na ang target delivery ng Moderna COVID-19 vaccines sa Pilipinas ay magsisimula sa kalagitnaan ng taon.
Bukod sa Moderna, sinabi ni Galvez na makakukuha rin ang Pilipinas ng 30 million doses ng Covovax COVID-19 vaccine mula sa Serum Institute ng India; at 25 million doses ng Sinovac vaccine ng China.
Muli namang tiniyak ng opisyal na abot-kaya ang halaga ng mga bakunang bibilhin ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.