78 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila

By Angellic Jordan January 18, 2021 - 03:29 PM

Karagdagang 78 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (January 18), sumampa na sa 25,764 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 365 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Malate na may 61 active cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 51 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 61 residente naman ang bagong gumaling at isa ang nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 24,594 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 775 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.