Pinuno ng DOST vaccine expert, sang-ayon para magpabakuna ng Sinovac
Nakahanda ang pinuno ng vaccine expert panel ng Department of Science and Technology (DOST) na magpabakuna ng Chinese vaccine ng Sinovac.
Direktang sagot ito ni Dr. Nina Gloriani sa tanong ni Marikina Rep. Stella Quimbo kaugnay ng pagiging kontrobersyal ng Sinovac dahil sa sinasabing 50-percent efficacy rate nito.
Sabi ni Gloriani, bagama’t kailangan pa nilang makita ang aktuwal na papeles, base sa mga lumabas nang datos ay 100 porsyento ang efficacy ng Sinovac sa severe cases ng COVID-19 at 78 porsyento sa mild.
Ipinaliwanag nito na ang nababanggit na 50-percent efficacy rate ay overall kung saan lahat ay pinagbasehan mula mild, moderate at severe.
Sa pagtatanong ni Quimbo, sinabi nitong kumukonti ang gustong magpabakuna dahil sa mga balita sa bakuna lalo na sa efficacy.
Ayon naman kay Usec. Eric Domingo, Director ng Food and Drug Administration (FDA), sa ngayon ay ang datos pa lamang ng Pfizer na may 95-percent efficacy rate ang nakita nila kaya nabigyan na ito ng emergency use authorization.
Hinihintay pa anya nila na makapagsumite ng actual papers ang Sinovac.
Umapela naman si Health Sec. Francisco Duque III sa publiko na pagkatiwalaan ang COVIF-19 vaccines na makakukuha ng authorization mula sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.