Bigtime oil price hike, ipatutupad bukas (Jan. 19)

By Angellic Jordan January 18, 2021 - 02:35 PM

Magkakaroon na naman ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Seaoil, Petro Gazz, Shell at Cleanfuel, tataas ng P1 ang presyo sa bawat litro ng gasoline habang P1.05 naman ang dagdag sa diesel.

Nasa P0.95 naman ang dagdag-singil sa bawat litro ng kerosene o gaas ng Shell at Seaoil.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Seaoil, Petro Gazz at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga (January 19).

Dakong 4:01, Martes ng hapon, naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price hike, price watch, Radyo Inquirer news, BUsiness, diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price hike, price watch, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.