3 mangingisda, nailigtas sa nagkaaberyang bangka sa Cagayan
Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station sa Sta. Ana, Cagayan ang tatlong mangingisda ng nagkaaberyang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Gonzaga.
Nangyari ang naturang insidente bandang 8:30, Sabado ng gabi (January 15).
Kinilala ang mga nailigtas na sila Gilbert Ricolizado, 46-anyos; Rumolo Agadinay Jr., 45-anyos; at Sonny Ricolizado, 42-anyos, mga residente ng Barangay Minanga.
Ayon sa tatlo, nagkaroon ng sira ang kanilang port quarter at rudder na naging dahilan ng pagpasok ng tubig-dagat sa loob ng bangka.
Agad naman silang nakipag-ugnayan sa Coast Guard unit para sa search and rescue (SAR) assistance.
Matapos masagip, dinala ng PCG ang nasirang bangka sa Vicente Port sa bahagi ng Sta. Ana, Cagayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.