CREATE, CITF bills, prayoridad sa pagbabalik sesyon ng Senado
Sa pagsisimula muli ng sesyon sa Senado, uunahin na maipasa ang bicameral committee reports ukol sa isinusulong na panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) at ang pagbuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fun (CITF).
Ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at dagdag niya, magiging prayoridad din ang pagsasa-ayos ng mga titulo ng mga lupa sa pamamagitan ng pagiging simple na lang ng mga kinakailangan para mabigyan ng lupa ang mga magsasaka.
“We will also approve on third reading the amendments to the Anti-Money Laundering Act. Moreover, we will push for the measures that have been approved on third reading but has no approved counterpart from the House of Representatives,” ayon pa sa senador.
Pagtutuunan din nilang mga senador ng pansin ang iba pang panukala, tulad nang pagpapatayo ng hiwalay na pambansang kulungan para sa mga nalitis sa heinous crimes, ang pagpapababa sa minimum heigh requirement sa mga nais maging pulis, bumbero at jail at corrections officers.
Gayundin aniya, itutulak nila ang pagpasa ng panukala na nagbabawal sa child marriage, ang pagkakaroon ng Cooperatives Development Officer sa LGUs, gayundin ang pagsasa-ayos ng firearms documents, pagbibigay ng night shift differential pay sa mga kawani ng gobyerno at ang pagbuo ng National Transportation Safety Board.
Magiging agenda din sa Senado ang pagbibigay pa ng supply allowance sa public school teachers, pagpapalawak ng paggamit ng legal assistance fund at gayundin ang pagbuo ng Philippine Energy Research and Policy Institute.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.