Tunay na presyo ng Covid-19 vaccines, aalamin ng Kamara sa isang executive session
Sisilipin ng Kamara ang presyo ng Covid-19 vaccines na binili ng gobyerno sa isasagawang pagdinig ng Committee on Health ngayong araw.
Ayon kay Quezon Rep. Angelina Helen Tan, chairman ng komite, aalamin nila ang tunay na presyo ng mga bakuna sa pamamagitan ng executive session makaraang igiit ng mga opisyal ang confidentiality agreement sa manufacturers.
Sabi ni Tan, bukod sa pagiging ligtas at epektibo, mahalaga ring malaman kung cost-effective ang biniling bakuna.
Sa ganitong paraan, matutukoy anya kung abot-kaya ang Covid-19 vaccines para sa mga Pilipino sakaling magkaroon ng pagkakataon na pwedeng pumili ng bakuna kung sariling gastos.
Unang itinanggi ni vaccine czar Carlito Galvez na nasa P3,600 ang presyo ng Sinovac na kabilang sa bakunang biili ng Pilipinas.
Bagama’t hindi nagbigay ng eksaktong halaga, sinabi ni Galvez na hindi nalalayo ang presyo nito sa procurement cost ng Indonesia na $13.57 o katumbas ng P652.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.