Unang naghain si de Lima ng “Demurrer to Evidence” sa Criminal Case No. 17-166 sa katuwiran na matapos magharap ang 21 testigo laban sa kanya ay walang naipakitang konkretong ebidensiya laban sa kanya.
Diin nito, nananatiling pawang espekulasyon lang ang alegasyon laban sa kanila ni Jose Adrian Dera.
Kasunod nito, hiniling din ni de Lima na maibasura ang kinahaharap na Criminal Case No. 17-165 base sa akusasyon na pagtanggap niya ng kabuuang P10 milyon sa magkahiwalay na transaksyon ng ilegal na droga sa pambansang piitan.
Magugunita na una nang binago ng prosekusyon mula sa kasong illegal drug trading ay ginawa na lang itong conspiracy to trade illegal drugs dahil sa kawalan ng ebidensiya.
Ipinunto ng senadora ang mga imbentong pahayag laban sa kanya, partikular na ang mga sinabi ni dating BuCor OIC Rafael Ragos, na mula sa pagiging kapwa niya akusado ay lumipat sa prosekusyon para sa kanyang mga pansariling interes.