318 kaso ng COVID-19 sa loob ng isang linggo naitala sa Cebu City

By Erwin Aguilon January 17, 2021 - 02:37 PM

 

Inquirer File Photo

Lumobo na naman ang bilang ng mga kaso ng nagpopositibo sa covid-19  sa Cebu City.

Sa datos ng Department of Health Central Visayas, mula January 10 hanggang 16 ay 318 ang naitalang kaso sa lungsod.

Dahil dito, umakyat na sa 570 ang kabuuang  bilang ng mga aktibong kaso ng covid-19 sa Cebu City na mas mataas kumpara sa 87 hanggang noong kalagitnaan ng December 2020.

Sa nasabing panahon, 70 lamang ang naitalang gumaling habang 6 ang karagdagang nasawi.

Nauna rito, itinuring na episentro ng covid-19 outbreak sa buong Central Visayas ang Cebu City na nakapagtala ng 11,389 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang 10,120 na ang gumaling habang 699 ang namatay.

 

 

TAGS: Cebu City, COVID-19, DOH central visayas, Cebu City, COVID-19, DOH central visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.