P3,600 na halaga ng COVID-19 vaccine ng China fake news – Sec. Roque
Halos kapareho lamang na P650 ang covid-19 vaccine ng Sinovac Biotech ng China na ibebenta sa Pilipinas na katulad ng presyo sa Indonesia.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kapareho lamang ang nasabing presyo ng pagbebenta sa ibang bansa.
Dahil dito, iginiit ni Roque na fake news ang kumakalat na P3,600 ang bawat isa nito.
Paliwanag ng opisyal, hindi tulad ng sa mga kapitalistang bansa ang presyo ng bakuna na magmumula sa Tsina ay maari ng mga itong baguhin.
Depende anya ang presyo nito sa kung sino ang bibili.
Ito ayon kay Roque ang dahilan kung bakit ayaw ipa-anunsyo ng Tsina ang presyo sa posibilidad na magalit ang ibang mga bansa na bumili nang mas mahal.
Sa inilabas na datos ng tanggapan ni Senator Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance lumalabas na nagkakahalaga ng P3,629 ang dalawang dose ng covid-19 vaccine ng Sinovac.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.