Vaccination plan ng gobyerno, dapat gawing localized – Rep. Legarda

By Erwin Aguilon January 17, 2021 - 10:06 AM

Umapela si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa national government na makipag-ugnayan sa local government units (LGUs) sa buong bansa para sa epektibong implementasyon ng vaccination plan.

Ayon kay Legarda, nasa mga lokal na komunidad ang laban kontra Covid-19 kaya naman mahalagang sapat ang kakayahan ng LGUs kasama na rito ang pagkakaroon ng sariling immunization plans.

Iginiit nito na dapat maging transparent ang gobyerno hindi lamang sa pakikipag-negosasyon sa iba’t ibang pharmaceutical companies kundi maging sa logistical preparations nang may konsultasyon sa LGUs.

Para naman sa LGUs, sinabi ni Legarda na bukod sa paghahanda ng pondong pambili ng bakuna, dapat ring merong angkop na storage faciities.

Ngayon pa lamang anya ay dapat tinutukoy na ang local health professionals na sasanayin para sa inoculation.

Dagdag pa nito, dapat matuto sa karanasan ng ibang mga bansa hindi lang kung paano nila ginawa nang tama ang pagbabakuna kundi maging sa mga naging problema nila para maiwasan na itong mangyari sa roll out ng vaccination plan sa Pilipinas.

 

TAGS: antique, covid-19 vaccine. loren legarda, LGU, antique, covid-19 vaccine. loren legarda, LGU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.