Magnitude 3.6 na lindol yumanig sa Eastern Samar
By Erwin Aguilon January 17, 2021 - 09:23 AM
Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar, Linggo ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig dakong 6:37 ng umaga sa layong 13km Timog-Kanluran ng bayan ng Maslog.
Naramdaman ang Intensity II sa Catbalogan City, Samar habang Intensity I sa Borongan City, Eastern Samar.
Tectonic ang sinasabing pinagmulan ng nasabing lindol.
Wala namang naitalang aftershocks sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.