LPA sa bahagi ng Mindanao binabantayan ng PAGASA

By Erwin Aguilon January 17, 2021 - 07:57 AM

 

Isang low pressure area (LPA) ang minomonitor ngayon ngayon ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA, kaninang 3am huling namataan ang sama ng panahon sa layong 490km silangan timog-silangan ng Davao City.

Patuloy pa rin naman ayon  sa weather bureau na maka-a-apekto sa Luzon ang Northeast Muzon o Amihan na magdadala naman ng maulap na papawirin at kalat-kalat nap ag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Asahan na rin ayon  sa PAGASA ang pagkakaroon ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat sa MIMAROPA, Visayas at Mindanao ngayong araw.

Ito ayon sa weather bureau ay dahil sa tail-end ng Frontal system.

 

 

 

 

TAGS: amihan, Davao City, LPA, Mindanao, Pagasa, amihan, Davao City, LPA, Mindanao, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.