Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (January 15), umabot na sa 496,646 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,033 o 5.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,048 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.4 porsyento ang asymptomatic; 0.42 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 4.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 137 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,876 o 1.99 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 551 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 459,737 o 92.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.