Pope Francis, Pope Emeritus Benedict XVI nabigyan na ng bakuna vs COVID-19

AFP photo

Nabigyan na ng unang dose ng bakuna kontra sa COVID-19 sina si Pope Francis at Pope Emeritus Benedict XVI.

Kasabay ito ng pagsisimula ng vaccination campaign laban sa nakakahawang sakit sa Vatican noong Miyerkules.

Kinumpirma ito ng Vatican sa pamamagitan ng inilabas na pahayag ni Matteo Bruni, director nge Holy See Press Office.

Matatandaang noong araw ng Linggo, inanunsiyo ni Pope Francis na plano niyang tumanggap ng bakuna ngayong linggo.

Kinumpirma rin ni Private Secretary to Pope emeritus Benedict XVI Bishop Georg Gaenswein na nabakuhana na ang Pope emeritus.

Read more...