Sen. Francis Tolentino: Ban on nuclear weapons treaty makakatulong sa Pilipinas sa ‘territorial dispute’

By Jan Escosio January 14, 2021 - 07:09 PM

Naniniwala si Senator Francis Tolentino na sa pagpirma ng Pilipinas sa Treaty on the Prohibition of Nuclear Weapons (TPNW), mapapagtibay ng bansa ang posisyon nito sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, ipinaliwanag ni Tolentino ang magandang maidudulot kung magiging bahagi ng naturang kasunduan ang Pilipinas.

Aniya mas mapapagtibay nito ang posisyon ng bansa sa pakikipag-agawan sa ibang bansa lalo na pumabor sa Pilipinas ang South China Sea Arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration kontra China noong 2016.

Kasabay nito, hinikayat din ni Tolentino ang Department of Foreign Affairs na gumawa ng diplomatikong hakbang para mapagtibay ang pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Paliwanag nito, ang nakipagkasundong gobyerno ay may obligasyon na ideklara kung may pinag-iingatan silang nuclear weapons o anuman nuclear explosive device sa kanilang teritoryo.

Aniya maaring kumilos ang United Nations kung hihilingin ng Pilipinas na masuri ang mga itinayong pasilidad ng China sa West Philippine Sea base sa pangamba na maaring pagtaguan ang mga ito ng mga armas-nukleyar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.