City of San Carlos, Negros Occidental niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Negros Occidental, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 15 kilometers Southwest ng City of San Carlos.

Naramdaman ang lindol dakong 5:22 ng hapon.

May lalim ang lindol na 13 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...