Filipino abroad na nagpositibo sa COVID-19, halos 13,500 na

May 120 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang January 14, nasa 13,498 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,978 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Wala namang bagong gumaling kung kaya 8,585 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala ring bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 935 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,836 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 2,150 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 788 naman ang kaso sa Americas at 2,724 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...