Plano ng pamahalaan sa COVID-19 vaccination, sisilipin ng Kamara
Magsasagawa ng pagdinig ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa COVID-19 vaccination plan ng gobyerno.
Sa Lunes, January 18 itinakda ng House Committee on Health na pinamumunuan ni Quezon Rep. Angelina Tan ang virtual hearing.
Kabilang sa ipatatawag sa pagdinig sina Health Secretary Francisco Duque III at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasama ang iba pang medical experts, health organizations at mga ahensya ng gobyerno.
Dito ay titiyakin na hindi masasayang ang bilyun-bilyong pisong pondo para sa inoculation at sinisiguro rin na ang alokasyon ay gagamitin sa pagbili ng pinakaepektibo at pinakaligtas na bakuna laban sa COVID-19.
Bibigyang linaw din sa nasabing pagdinig ang iba’t ibang opinyon at isyu kaugnay sa government-procured vaccines.
Umaasa rin si Tan na sa pamamagitan ng pagdinig ay makakabuo ang Kamara ng konkretong legislative actions na makakatulong sa Ehekutibo na matiyak na magiging tagumpay ang mass vaccination plan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.