Inagurasyon ng Skyway Stage 3 Project, pinangunahan ni Pangulong Duterte
Opisyal nang binuksan ang Metro Manila Skyway Stage 3 (MMSS-3) Project sa Quezon City.
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng naturang proyekto sa bahagi ng Del Monte Toll Plaza, Northbound Exit, Huwebes ng hapon.
“To the Filipino people, let me assure you that this administration will continue to pursue our Build, Build, Build program guided by the highest standards of integrity, transparency and accountability,” pahayag ng pangulo sa kaniyang talumpati.
Dumalo rin sa inagurasyon sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Sen. Christopher “Bong” Go, House Speaker Lord Allan Velasco, Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Transportation Secretary Arthur Tugade, San Miguel Corporation president and chief operating officer Ramon Ang at iba pa.
Ang MMSS-3 ay isang elevated expressway mula Buendia, Makati City hanggang North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, Quezon City na may haba na 18.83 kilometers.
Nagkokonekta ito sa NLEX at South Luzon Expressway (SLEX).
Sa tulong nito, inaasahang mababawasan ang sikip ng trapiko sa National Capital Region (NCR) o major road sa Metro Manila.
Maliban dito, mula sa dating dalawang oras, magiging 15 hanggang 20 minuto na lang ang biyahe mula Buendia hanggang Balintawak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.