Prepaid SIM user’s registration isinusulong ni Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio January 14, 2021 - 12:24 PM

Itinutulak ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang batas para sa mandatory registration ng mga gumagamit ng prepaid SIM cards.

 

Katuwiran niya, ito ay para agad matunton ang mga gumagawa ng krimen at ilegal na aktibidad gamit ang prepaid SIM.

 

Kamakailan lang, napabilang ang senador sa maraming biktima na ng panloloko gamit ang prepaid SIM cards.

 

Nagamit ang credit card ni Gatchalian sa P1 milyon sa online food delivery na makuha ang kanyang One-Time Password gamit lang ang prepaid phone.

 

Pag-upo nito bilang senador, isa sa mga unang panukala na inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 176 o ang SIM Card Registration Act.

 

Paliwanag niya, dapat ay magpakita ng valid ID na may picture ang bibili ng prepaid SIM card, bukod pa sa pag-fill up ng control-numbered registration form mula sa telco at ang isang kopya nito ay ibibigay sa National Telecommunications Commission.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.