Faculty Center ng UP Diliman, nasunog

 

Mula sa FB/Philippine Collegian

Kasalukuyan pa ring nasusunog ang Bulwagang Rizal Faculty Center ng University of the Philippines – Diliman ngayong  Biyernes ng madaling araw.

Itinaas na ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Task Force Alpha  dakong alas 2:54 ng  madaling araw dahil sa mabilis na pag-laki ng sunog.

Ipinost ng official publication ng UP Diliman na The Philippine Collegian na base sa kanilang inisyal na impormasyon, nag-simula sa ikatlong palapag ang sunog at kumalat sa mas mababang palapag.

As of 3:00 A.M., hindi pa rin naaapula ang sunog sa gusali.

Mayroon nang hindi bababa sa 20 truck ng bumbero ang kasalukuyang nagtutulung-tulong upang maapula ang apoy.

Read more...