Duterte, umaasang hindi mas mapanganib ang bagong COVID-19 variant

By Angellic Jordan January 14, 2021 - 12:19 AM
Photo grab from PCOO Facebook video

“May bagong monster na naman.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ma-detect ang bagong variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa pulong kasama ang mga miyembro ng Gabinete, inihayag ng pangulo na umaaasa siyang hindi mas mapanganib ang bagong variant ng nakakahawang sakit na unang na-detect sa United Kingdom.

“And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID,” pahayag ng pangulo.

“Yung ginagawang bakuna ngayon, kasi bago ito, titignan ng mga experts, mga doctor. They will raise the alarm sabi nga ni Doctor Duque ngayong gabi, pupuntahan nila to make sure para we can take steps to isolate, sequester, and maybe treat them para hindi na mapasa sa iba,” dagdag nito.

Ayon pa sa pangulo, importanteng malaman kung sinu-sino ang mga nakausap ng pasyente pagkadating sa bansa mula sa United Arab Emirates (UAE).

“Importante ito kung sino ‘yung mga tao na kinausap nila pagdating nila… Kaya lalabas itong [contact] tracing, ita-trace, hahanapin ‘yung mga tao tapos i-examine sila for their own good,” saad ni Duterte.

Sinabi sa pulong ni Health Secretary Francisco Duque III na dumating sa Pilipinas ang pasyente na may UK variant noong January 7.

Nagmula ito sa Dubai kasama ang nobya, na lumabas na negatibo sa bagong Coronavirus.

Gayunman, isinailalim pa rin sa istriktong quarantine at monitoring ang partner ng pasyente.

TAGS: breaking news, Inquirer News, new COVID-19 variant, President Duterte on new COVID-19 variant, President Duterte on UK variant, Radyo Inquirer news, SARS-CoV-2, Tagalog breaking news, UK variant in the Philippines, breaking news, Inquirer News, new COVID-19 variant, President Duterte on new COVID-19 variant, President Duterte on UK variant, Radyo Inquirer news, SARS-CoV-2, Tagalog breaking news, UK variant in the Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.