Mga alkalde, gobernador malayang pumili ng bibilhing bakuna vs COVID-19 – Duterte

By Angellic Jordan January 14, 2021 - 12:51 AM
Photo grab from PCOO Facebook video

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malayang pumili ang mga alkalde at gobernador kung ano ang bibilihing bakuna laban sa COVID-19.

Sa pulong kasama ang Cabinet members, sinabi ng pangulo na maaaring pumili ng kukuning bakuna ang mga nasabing opisyal ng gobyerno para sa kanilang mga nasasakupan.

“I’m now addressing to the mayors and governors. You can choose any vaccine you like to buy. Wala kaming pakialam kung ano ang pipiliin ninyo,” pahayag ni Duterte.

“Maraming local government units who opted to go on their own. Sila ang magbili, may pera sila, at sila ang mamili ng kanilang vaccine or whatever,” dagdag ng pangulo.

Hindi naman aniya pipilitin ang lahat na makiisa sa ibibigay na bakuna ng national government.

TAGS: covid 19 vaccine, Inquirer News, President Duterte on COVID-19 vaccine, President Duterte on Sinovac, Radyo Inquirer news, covid 19 vaccine, Inquirer News, President Duterte on COVID-19 vaccine, President Duterte on Sinovac, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.