Sa isang panayam, sinabi ni Project BASS co-founder at kolumnistang si Wilson Chua na nabahahala siya dahil base sa kanilang datos, nasa 5 o 6 mpbs lamang ang naibibigay ng DITO kahit pa wala pa itong users.
“Kinomit nila 27 o 28 mbps ang pinaka-average na makukuha ng mga user nila. Ako’y nababahala dahil base sa data na nakikita natin, wala pa siyang subscribers ay nasa 5 or 6mbps pa lang ang kanyang naaabot,” sabi ni Chua.
Ang Project Bass PH ay isang grupo ng mga volunteer kung saan sinusuri ang lakas ng signal at internet connection sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang mapaganda ang bandwidth sa bansa.
Dismayado rin si Chua dahil ayon sa kanya, dapat mas mabilis ang internet connection ng DITO dahil wala pa itong subscribers.
“We were expecting sana na kasi ngayon wala pa silang surbscibers, so dapat sana ang nakikita nating bandwidth nila medyo mataas-taas, ako’y medyo disappointed lang… Personal ko ‘to, ha, personally I’m disappointed na we’re seeing very low initial bandwidth kasi normally ang network mabilis iyan kapag walang gumagamit, eh eto namang DITO, wala pa namang gumagamit pero bakit mabagal,” paliwanag ni Chua.
Dagdag niya, sa ngayon ay hirap ang DITO na mabigyang serbisyo ang mga Filipino lalo na’t ngayon ay nasa 1,000 o 2,000 barangay lamang ang nagkakaroon ng testing nito.
“Parang hirap sila at the moment base sa nakikita namin, for example dapat mayroong certain barangays covered, ‘di ba? We’re seeing the testing done from only one or two barangays eh ilang thousands of barangay iyan.”
Ayon pa kay Wilson, malaking hamon din sa DITO na mapanatili ang speed at coverage ng kanilang bandwidth.
“So, two things iyan na poproblemahin niya, ma-maintain ‘yung speed at ‘yung coverage niya. Paano niya mako-cover ‘yung ibang area,” aniya pa.
Kakailanganin din aniya ng DITO ng mas maraming towers upang makapagbigay ng magandang bandwidth sa mga subscriber.
“Kung sila sa DITO ang plano nila ay magbigay ng magagandang bandwidth, siguro four times the tower number ng Globe and Smart ang kailangan nila dito,” dagdag ni Chua.
Kasalukuyan namang naghahanap ng mga volunteer ang Project BASS upang masuri pa ang connection lalo na sa mga liblib na lugar.
Excerpt: