LPA sa Mindanao, nalusaw na; Amihan, Tail-end of a Frontal System umiiral pa rin

Photo credit: DOST PAGASA website

Nalusaw na ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, nalusaw ang LPA bandang 8:00 ng umaga.

Patuloy namang umiiral ang dalawang weather system sa bansa.

Nakakaapekto pa rin aniya ang Northeast Monsoon o Amihan sa natitirang bahagi ng Luzon habang ang Tail-end of a Frontal System ay umiiral sa Bicol region at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao..

Dagdag pa nito, mababa ang tsansa na may bagyong pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) hanggang sa weekend.

Read more...