Pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution, suportado ng mga ekonomista
Nakakuha ng suporta ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga ekonomista sa isinusulong na amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Ayon sa mga ekonomisya na humarap sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Reforms, napapanahon at nararapat ang isinusulong na amyendahan sa restrictive economic provisions ng Saligang Batas.
Ayon kay Dr. Gerardo Sicat, Professor Emeritus ng UP School of Economics, ang restrictions sa Saligang Batas ang malaking sagabal kaya hindi makausad nang husto ang bansa.
Tinukoy nito ang foreign direct investments na siyang susi sa pagkakaroon ng “miracle economies” ng mga bansa sa Asian region.
Sinegundahan ito ni Dr. Raul Fabella, Professor Emeritus rin ng UP School of Economics na nagsabing kailangang gawing foreign investment friendly ang Pilipinas.
Binigyang diin naman NEDA Sec. Ernesto Pernia na tama ang hakbang ng Kongreso na galawin ang restrictive economic provision ng Konstitusyon para sa minimithing pag-unlad.
Tinukoy ni Pernia na napag-iwanan na ang Pilipinas ng mga karatig-bansa sa Asya partikular ng Malaysia, Thailand, Indonesia at malapit na rin ang Vietnam.
Binigyan diin rin nito na inclusive ang paglago ng ekonomiya dahil nababawasan rin ang kahirapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.