Ara Mina, engaged na kay Dave Almarinez

Photo credit: @therealaramina/Instagram

Engaged na ang aktres na si Ara Mina sa kaniyang boyfriend na si Philippine International Trading Corporation (PITC) presdient at CEO Dave Almarinez.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ara ang mga larawan ng wedding proposal na isinagawa sa Laguna.

Photo credit: @therealaramina/Instagram

Sa caption ng IG post, sinabi ng aktres na wala siyang ideya sa naturang proposal.

Nagpasalamat si Ara sa aniya’y panibagong regalo ng Panginoon sa kaniya.

Tinawag nito si Dave bilang kaniyang “answered prayer.”

“Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love. Yes, I will marry you!,” mensahe pa ng aktres.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga mahal sa buhay at kaibigan nina Ara at Dave.

Read more...