WATCH: National government, hindi nahuhuli sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19

By Erwin Aguilon January 13, 2021 - 03:30 PM

Hindi nahuhuli ang national government sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ito ang iginiit ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Sa Laging Handa Press Briefing, sinabi ni Galvez na nauna ang pamahalaang nasyunal sa pagpasok ng kasunduan sa mga vaccine manufacturer.

Giit nito, binigyan lamang ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga LGU na pumasok sa tripartite agreement sa vaccine manufacturer.

Dahil na rin aniya ito sa kagustuhan ng mga lokal na pamahalaan na makatulong sa national government upang mabakunahan ang kanilang mga kababayan.

Sa ilalim aniya ng tripartite LGU, responsibilidad ng mga ito na sila ang mag-administer ng bakuha habang ang national government naman ang bahala sa supply requirements.

Tiniyak naman ni Galvez na lahat ng mga lokal na pamahalaan kahit wala ang mga itong pambili ay mabibigyan ng bakuna.

Gagawin aniya ng pamahalaan na pantay-pantay ang pamamahagi ng bakuna.

Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

TAGS: breaking news, COVID-19 response, COVID-19 vaccine in the Philippines, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., Sinovac, vaccine manufacturers, breaking news, COVID-19 response, COVID-19 vaccine in the Philippines, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., Sinovac, vaccine manufacturers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.