Mayor Moreno, ipinagbawal ang mga aktibidad sa labas ng simbahan sa darating na Pista ng Sto. Niño

Manila PIO photo

Walang isasagawang aktibidad sa labas ng mga simbahan sa Maynila sa darating na selebrasyon ng Pista ng Sto. Niño ngayong Enero 16 hanggang 17.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa banta ng COVID-19.

Alinsunod sa Executive Order No. 02 ng alkalde, mahigpit na ipinagbabawal ang mga parada, palarong kalye, stage show at street parties sa Tondo at Pandacan sa Maynila.

Ipagbabawal din ang pagbebenta ng alak sa darating na Sabado at Linggo habang istriktong ipatutupad ang curfew hours sa lungsod.

Kaugnay nito, inatasan naman ni Mayor Isko ang mga kapulisan at opisyales ng barangay sa Maynila na tiyakin ang pagsunod ng mga mamamayan sa mga alituntuning ipatutupad sa mga araw ng kapistahan.

Read more...