Pagtalakay sa chacha, dapat ipagpaliban ayon kay Rep. Lagman

Nais ni Albay Rep. Edcel Lagman na huwag nang ituloy ang pagtalakay sa panukalang amyenda sa 1987 Constitution.

Sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments sinabi ni Lagman na kailangan munang maresolba ang usapin kung separate o joint voting ang gagawin ng Senado sa Kamara.

Sabi ni Lagman, tiyak na makararating ang usapin sa Supreme Court kaya dapat munang malinawan ang botohan.

Sang-ayon naman si Cavite Rep at Deputy Majority Leader Boying Remulla sa pahayag ni Lagman.

Anya, pagsasayang lamang ng oras ang kanilang gagawin kung hindi masasagot ang “prejudicial question” sa usapin.

Ang “prejudicial question” ay nangangahulugan na ang kalalabasan nito ay makakaepakto sa kabuuan ng isyu.

Kaya para kay Remulla dapat maghain na lamang ng kaso sa Supreme Court para mabigyan ito ng kasagutan.

Kinontra naman ito ng chairman ng komite na si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin sa pagsasabing kailangang may “actual controversy” para makapaghain ng kaso sa SC.

 

Read more...