DILG Sec. Año naghain ng leave of absence

By Erwin Aguilon January 13, 2021 - 11:38 AM

Matapos dalawang ulit na magpositibo sa covid-19, naghain ng leave of absence si Interior Secretary Eduardo Año.

Ayon  kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya hanggang sa katapusan ng Enero ang inihaing leave ni Año matapos payuhan ng kanyang mga doctor na tingnan ang kanyang kalusugan.

Itinalaga naman bilang officer-in-charge si Undersecretary for Peace and Order .

Naghain anya ng leave of absence si Año para matiyak ang kanyang kalusugan at kaligtasan kaya minabuting pakinggan ang payo ng kanyang mga doctor.

Sabi ni Malaya, medyo madalas mapagod ang opisyal na base na rin sa mga pag-aaral ay long-term effect ng mga nagkaroon ng covid-19.

Si Año ang siya ring vice chairman of National Task Force against Covid-19, ay unang na diagnosed ng Covid-19 noong March 3, 2020 at nakarecover matapos ang mahigit isang buwan at muling tinman nito noong August 15, 2020 at gumaling noong September 2, 2020.

 

TAGS: Bernardo Florece, COVID-19, DILG, eduardo año, Jonathan Malaya, Bernardo Florece, COVID-19, DILG, eduardo año, Jonathan Malaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.