Dating Speaker Cayetano may bagong grupo sa Kamara

By Erwin Aguilon January 13, 2021 - 08:22 AM

 

Bumuo ng sariling grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pinatalsik na house speaker na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Tinawag ang grupo na BTS sa Kongreso na may pitong miyembro na isang independent majority.

Kabilang sa grupo ni Cayetano ang mga dati ring lider ng Kamara na mahigpit na kaalyado nito na sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr, Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, at Capiz Rep. Fredenil Castro.

Paglilinaw naman ni Cayetano ang independent majority ay nananatili ang suporta sa mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte pero magiging kritikal pagdating naman sa pamamalakad ng kasalukuyang liderato na pinamumunuan  ni Speaker Lord Allan Velasco.

Bukas, araw ng Huwebes ilulunsad at ipaliliwanag ni Cayetano kung paano nabuo ang independent majority at kung bakit “BTS sa Kongreso” ang pangalan ng grupo.

 

 

TAGS: Alan Cayetano, BTS sa Kongreso, Dan Fernandez, fred castro, Jonathan Alvarado, Kamara, Lord Velasco, Lray Villafuerte, mike defensor, Raneo Abu, Alan Cayetano, BTS sa Kongreso, Dan Fernandez, fred castro, Jonathan Alvarado, Kamara, Lord Velasco, Lray Villafuerte, mike defensor, Raneo Abu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.