Kim Wong inilagay na sa watchlist order ng Immigration Bureau

kim-wong-0329-620x349
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na inilagay nila sa lookout bulletin order ang big-time Casino junket operator na si Kim Wong.

Ipinaliwanag ni Immigration spokesperson Nikki Reyes na inutusan sila ng Department of Justice na ilagay ang pangalan ni Wong sa watchlist order makaraan siyang masangkot sa $81 Million money laundering scam.

Sinabi pa ni Reyes na malaya namang makalalabas ng bansa si Wong pero irereport nila ito sa DOJ kapag namonitor nila ang pag-alis ng nasabing junket operator.

Nauna dito ay sinabi ni Wong sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na wala siyang balak tumakas palabas ng bansa kasabay ng pangakong ibabalik niya sa kinauukulan ang lahat ng pera kaugnay sa dirty money na iniimbestigahan sa kasalukuyan.

Si Wong kasama si dating RCBC Jupiter branch manager Maia Santos Deguito ay sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Law ng DOJ.

Read more...