Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, nasa 1,332

Nagkaroon pa ng 83 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang January 12, 25,818 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,332 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 21 ang bagong gumaling kung kaya 23,042 na ang COVID-19 recoveries.

Lima naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,444 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...