E-Net Philippines, natuwa sa pagpasa sa Alternative Learning System Act
Pinuri ng E-Net Philippines ang pagkakapasa sa Republic Act 11510 o ang Alternative Learning System Act.
Naging bahagi ang E-Net Phils. sa mga pulong ng Technical Working Group at pagdinig sa Senado, gayundin sa Kamara para makalusot ang panukala.
Ang E-Net Phils. ay binubuo ng 130 organisasyon na isinusulong ang karapatan sa edukasyon lalo na sa marginalized and disadvantaged sectors.
Ang ALS ay isang alternatibong pamamaraan para maipagpatuloy ng mga out-of-school youth, may kapansanan, katutubo at iba pa ang kanilang pag-aaral.
Base sa pag-aaral ng World Bank noong 2018, halos 24 milyong Filipino na may edad 15 pataas ang hindi nakapagtapos kahit basic education at katumbas nito ang halos 25 porsiyento ng populasyon.
Pinondohan ng paunang kalahating bilyong piso ang ALS Act at ang bawat estudyante na sasailalim sa programa ay may budget na P4,732.
Sa kasalukuyan, ang isang guro ay nagtuturo ng 88 ALS learners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.